Ang Weird ng ambiance o yung mismong tema ng resort na pinuntahan namin kanina.. “egyptian” lang ang peg nila.. inisip ko tuloy hindi kaya buhanginan lang ang lalanguyan namin dito? Good thing hindi naman pala dahil gimik lang pala nila yun para pasukin ng mga tao.. Maganda ang lugar tahimik, presko rin dahil sa mga halaman.. Mababaw lang yung tubig hanggang 5 ft” lang kaya hindi ako masyado naglalalangoy. Bday pala ng pinsan ko ngayon kaya kami andun, ayun simpleng selebrasyon, simpleng handaan, at nairaos nga ng matiwasay ang bday.   Ang kulit lang namin tatlong ipad dala namin wala naman pala wifi dun, buti na lang di ko rin naisipan dalhin yung laptop. NapaWOW din pala ako sa mahal ng yosi kadiri nila ate.. imagine kalahating kaha 45 raw.. at ang alak pang padis ang presyuhan kaya nakuntento na lang ako sa pagbirit sa videoke at dahil sa hindi ako nakatulog ng maaga kagabi ayun natulog na rin ako dun ng mga 1-2 oras siguro.. Tapos pagdating ng alas kwatro umuwi na rin agad, napagod pati mga bata kaya ang ending plakda silang lahat ngayon..